Friday, April 10, 2009

katawang banga



nakatiklop ang bangkay
sa loob ng banga ay
parang batang buhay
sa tiyan ng nanay

katawang may butas
ang nakabalot sa labas
may tibay at lakas
lumalaban sa agnas

bigat nito ay nabubuhat
dahil sadyang inaangat
ang buhay mula rito at
sa kabilang buhay lilipat

2 comments:

  1. Mayroon akong artikulo kung saan nabanggit ko na ang mga bangang libingan ng mga bata ay maihahalintulad sa isang sinapupunan. -Grace

    ReplyDelete
  2. Ikagagalak kong mabasa ang iyong artikulo na iyon. Saan ko kaya mababasa iyon, Grace? - Ito

    ReplyDelete