Friday, April 10, 2009

panalangin ng arkeologo


o bathala ikaw ay dakila
sa buong mundo dagat at lupa

kapag binubulay ko ang iyong gawa
lahat ay mula sa iyong awa

ano ba ako para iyong alalahanin
sino ba ako para iyong mahalin

ginawa mo akong tagapamahala
sa mga bagay na iyong gawa

ipinailalim mo sa arkeologo
ang paghuhukay sa dunong ng tao

lahat ng naiwan at natabunan
at ang mga bakas ng nakaraan

talasan mo ang pandama
na may makita at maunawa

sa pinagdaanan ng kapuloan
sa mga landas ng karagatan

o bathala ikaw ay dakila
sa buong mundo dagat at lupa

No comments:

Post a Comment